Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 126)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 126

وَمَا تَنْقِمُ مِنَّا إِلَّا أَنْ آمَنَّا بِآيَاتِ رَبِّنَا لَمَّا جَاءَتْنَا ۚ رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَتَوَفَّنَا مُسْلِمِينَ 126 ١٢٦

Hindi ka naghiganti sa amin kundi dahil sumampalataya kami sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin. Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis at magpapanaw Ka sa amin bilang mga Muslim.” (126)

Tafsīr
Hindi ka nagmasama sa amin at naghinanakit sa amin, O Paraon, kundi sa paniniwala namin sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin sa kamay ni Moises. Kaya kung ito ay naging isang pagkakasalang napipintasan, ito ay pagkakasala namin. Pagkatapos humarap kayo kay Allāh sa panalangin habang mga nagsasabi sa pagpapakumbaba: "O Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis hanggang sa malipos kami nito upang magpakatatag kami sa katotohanan, at bigyang-kamatayan Mo kami bilang mga tagapasakop sa iyo, na mga nagpapaakay sa utos Mo, na mga sumusunod sa Sugo Mo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba