Hindi ka naghiganti sa amin kundi dahil sumampalataya kami sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin. Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis at magpapanaw Ka sa amin bilang mga Muslim.” Al-A‘rāf 7:126 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka nagmasama sa amin at naghinanakit sa amin, O Paraon, kundi sa paniniwala namin sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin sa kamay ni Moises. Kaya kung ito ay naging isang pagkakasalang napipintasan, ito ay pagkakasala namin. Pagkatapos humarap kayo kay Allāh sa panalangin habang mga nagsasabi sa pagpapakumbaba: "O Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis hanggang sa malipos kami nito upang magpakatatag kami sa katotohanan, at bigyang-kamatayan Mo kami bilang mga tagapasakop sa iyo, na mga nagpapaakay sa utos Mo, na mga sumusunod sa Sugo Mo."