Nagsabi ang konseho kabilang sa mga tao ni Paraon: “Magpapabaya ka ba kay Moises at sa mga kalipi niya upang manggulo sila sa lupain at magpabaya sa iyo at sa mga diyos mo?” Nagsabi siya: “Pagpapatayin natin ang mga anak na lalaki nila at pamumuhayin natin ang mga babae nila [para magsilbi]. Tunay na tayo sa ibabaw nila ay mga tagalupig.” Al-A‘rāf 7:127 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi kay Paraon ang mga pinapanginoon at ang mga malaking tao kabilang sa mga tao ni Paraon habang mga nag-uudyok dito laban kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya: "Mag-iiwan ka ba, O Paraon, kay Moises at sa mga tao niya upang magpalaganap sila ng katiwalian sa lupain at upang mag-iwan siya sa iyo mismo at sa mga diyos mo at mag-anyaya siya sa pagsamba kay Allāh lamang?" Nagsabi si Paraon: "Pagpapatayin natin ang mga lalaking anak ng mga anak ni Israel at pananatilihin natin ang mga babae nila para magsilbi. Tunay na tayo ay mga mangingibabaw laban sa kanila sa pamamagitan ng panlulupig, pananaig, at kapamahalaan."