Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “Sinaktan kami bago ka pa pumunta sa amin at matapos na dumating ka sa amin.” Nagsabi siya: “Marahil ang Panginoon ninyo ay magpasawi sa kaaway ninyo at magpahalili sa inyo sa lupain para makakita Siya kung papaano kayong gumagawa.” (129)
Tafsīr
Nagsabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga kalipi ni Moises kabilang sa mga anak ni Israel: "O Moises, sinulit kami sa kamay ni Paraon sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaking anak namin at pagpapanatiling-buhay sa mga kababaihan namin bago pa ng pagdating mo sa amin at nang matapos niyon." Nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagpapayo sa kanila at nagbabalita ng nakalulugod hinggil sa pagpapaginhawa: "Marahil ang Panginoon ninyo ay magpapahamak sa kaaway ninyong si Paraon at mga tao niya, at magpapatatag sa inyo sa lupain matapos nila para tumingin Siya sa gagawin ninyo, matapos niyon, na pagkilala o pagtanggi sa utang na loob."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: