Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 131)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 131

فَإِذَا جَاءَتْهُمُ الْحَسَنَةُ قَالُوا لَنَا هَٰذِهِ ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَطَّيَّرُوا بِمُوسَىٰ وَمَنْ مَعَهُ ۗ أَلَا إِنَّمَا طَائِرُهُمْ عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 131 ١٣١

Ngunit noong dumating sa kanila ang maganda ay nagsabi sila: “Ukol sa atin ito.” Kung may tatama sa kanila na isang masagwa ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya. Pansinin, tanging ang kamalasang inuugnay nila ay nasa ganang kay Allāh subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (131)

Tafsīr
Ngunit kapag dumating sa angkan ni Paraon ang kasaganahan, ang kaayusan ng mga bunga, at ang kamurahan ng mga halaga ay nagsasabi sila: "Ibinigay sa amin ito dahil sa pagiging karapat-dapat namin para rito at sa pagkanauukol sa amin nito." Kung may umabot sa kanila o tumama sa kanila na isang kapahamakan gaya ng tagtuyot, kawalang-ulan, dami ng mga sakit, at iba pa rito na mga kalamidad, nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya kabilang sa mga anak ni Israel. Ang totoo ay na ang anumang tumatama sa kanila mula roon sa kalahatan niyon ay dahil sa isang pagtatakda lamang mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sila at si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay walang kinalaman doon maliban sa bahagi ng panalangin ni Moises laban sa kanila, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam kaya nag-uugnay sila niyon sa iba pa kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba