Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Noong bumagsak sa kanila ang pasakit ay nagsabi sila: “O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa ganang iyo. Talagang kung nagpawi ka sa amin ng pasakit ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo at talagang magpapadala nga kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel.” (134)
Tafsīr
Noong tumama sa kanila ang pagdurusa dahil sa mga bagay na ito ay bumaling sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi sa kanya: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinantangi Niya sa iyo na pagkapropeta at sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa iyo na pag-aalis ng parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na alisin Niya sa amin ang tumama sa amin na parusa. Kaya kung aalisin Niya sa amin iyon ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo, talagang magpapadala nga Kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel, at magpapalaya kami sa kanila."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: