Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 138)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 138

وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتَوْا عَلَىٰ قَوْمٍ يَعْكُفُونَ عَلَىٰ أَصْنَامٍ لَهُمْ ۚ قَالُوا يَا مُوسَى اجْعَلْ لَنَا إِلَٰهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ ۚ قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ 138 ١٣٨

Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat saka napunta sila sa mga taong namimintuho sa mga anito para sa mga iyon. Nagsabi sila: “O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.” Nagsabi siya: “Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang.” (138)

Tafsīr
Nagpatawid Kami sa mga anak ni Israel sa dagat noong hinampas ito ni Moises ng tungkod niya saka nabiyak, saka napadaan sila sa mga taong nananatili sa pagsamba sa mga anito para sa mga ito, na sinasamba ng mga ito bukod pa kay Allāh. Kaya nagsabi ang mga anak ni Israel kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang anitong sasambahin namin kung paanong ang mga ito ay mayroong mga anitong sinasamba bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Moises sa kanila: "O mga tao ko, tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang sa anumang kinakailangan kay Allāh na pagdakila at paniniwala sa kaisahan Niya at anumang hindi naaangkop sa Kanya na pagtatambal [sa Kanya] at pagsamba sa iba pa sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba