Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 138 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 138 sa 206 • Tagalog


وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتَوْا عَلَىٰ قَوْمٍ يَعْكُفُونَ عَلَىٰ أَصْنَامٍ لَهُمْ ۚ قَالُوا يَا مُوسَى اجْعَلْ لَنَا إِلَٰهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ ۚ قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ 138
Pagsasalin:
Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat saka napunta sila sa mga taong namimintuho sa mga anito para sa mga iyon. Nagsabi sila: “O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.” Nagsabi siya: “Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang.” Al-A‘rāf 7:138
Tafsīr:
Nagpatawid Kami sa mga anak ni Israel sa dagat noong hinampas ito ni Moises ng tungkod niya saka nabiyak, saka napadaan sila sa mga taong nananatili sa pagsamba sa mga anito para sa mga ito, na sinasamba ng mga ito bukod pa kay Allāh. Kaya nagsabi ang mga anak ni Israel kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang anitong sasambahin namin kung paanong ang mga ito ay mayroong mga anitong sinasamba bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Moises sa kanila: "O mga tao ko, tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang sa anumang kinakailangan kay Allāh na pagdakila at paniniwala sa kaisahan Niya at anumang hindi naaangkop sa Kanya na pagtatambal [sa Kanya] at pagsamba sa iba pa sa Kanya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 137 Susunod Al-A‘rāf • Talata 139