Ipinamana Namin sa mga anak ni Israel, na mga dating hinahamak-hamak ni Paraon at ng mga tao nito, ang mga silangan ng lupain at ang mga kanluran nito. Ang tinutukoy niyon ay ang bayan ng Malaking Sirya, na nagbiyaya si Allāh sa pamamagitan ng pagpapatubo ng mga pananim nito at mga bunga nito sa paraang pinakaganap. Nalubos ang napakagandang salita ng Panginoon mo, O Sugo. Ito ay ang nabanggit sa sabi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān
Al-Qaṣaṣ 28:5 ⧉): "Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain, gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana," Nagpatatag si Allāh sa kanila sa lupa dahilan sa pagtitiis nila sa tumama sa kanila na pananakit ni Paraon at ng mga tao nito. Winasak ni Allāh ang dating niyayari ni Paraon na mga taniman at mga tahanan at ang dati nilang ipinatatayo na mga palasyo.