Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nakipagtipan Kami kay Moises nang tatlumpong gabi at lumubos Kami sa mga ito sa [pagdagdag ng] sampu, kaya nalubos ang takdang oras ng Panginoon niya sa apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron: “Humalili ka sa akin sa mga tao ko, magsaayos ka, at huwag kang sumunod sa landas ng mga tagatiwali.” (142)
Tafsīr
Nakipagtipan si Allāh sa sugo Niyang si Moises para sa pakikipagniigan sa Kanya nang tatlumpong gabi. Pagkatapos binuo ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sampu kaya ito ay naging apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron noong nagnais siyang umalis para sa pakikipagniigan sa Panginoon niya: "O Aaron, maging kahalili ka sa akin sa mga tao at magsaayos ka sa nauukol sa kanila sa pamamagitan ng kagandahan ng pamamahala at kalumayan sa kanila. Huwag kang tumahak sa daan ng mga tagatiwali sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at huwag kang maging tagatulong para sa mga tagasuway."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: