Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsulat Kami para sa kanya sa mga tablero ng bawat bagay bilang pangaral at pagdedetalye para sa bawat bagay, kaya kunin mo ang mga ito nang may lakas at ipag-utos mo sa mga tao mo na kumuha sila ng pinakamaganda sa mga ito. Ipakikita Ko sa inyo ang tahanan ng mga suwail. (145)
Tafsīr
Nagsulat Kami para kay Moises sa mga tablerong yari sa kahoy o iba pa rito ng bawat kakailanganin ng mga anak ni Israel mula sa mga nauukol sa panrelihiyong buhay nila at pangmundong buhay nila bilang pangaral para sa sinumang napangangaralan kabilang sa kanila at bilang pagdedetalye sa mga patakarang nangangailangan ng pagdedetalye. Kaya kunin mo ang Torah na ito, O Moises, nang may pagkaseryoso at pagsisikhay. Ipag-utos mo sa mga kalipi mo, ang mga anak ni Israel, na kumuha sila ng pinakamaganda sa nasaad dito, na ang pabuya ay pinakadakila gaya ng paggawa sa ipinag-uutos sa pinakalubos na paraan gaya ng pagtitiis at pagpapaumanhin. Ipakikita Ko sa inyo ang kahihinatnan ng sinumang sumalungat sa utos Ko at lumabas sa pagtalima sa Akin, at ang hahantungan sa kanya na kapahamakan at pagkawasak.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: