Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 145 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 145 sa 206 • Tagalog


وَكَتَبْنَا لَهُ فِي الْأَلْوَاحِ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ مَوْعِظَةً وَتَفْصِيلًا لِكُلِّ شَيْءٍ فَخُذْهَا بِقُوَّةٍ وَأْمُرْ قَوْمَكَ يَأْخُذُوا بِأَحْسَنِهَا ۚ سَأُرِيكُمْ دَارَ الْفَاسِقِينَ 145
Pagsasalin:
Nagsulat Kami para sa kanya sa mga tablero ng bawat bagay bilang pangaral at pagdedetalye para sa bawat bagay, kaya kunin mo ang mga ito nang may lakas at ipag-utos mo sa mga tao mo na kumuha sila ng pinakamaganda sa mga ito. Ipakikita Ko sa inyo ang tahanan ng mga suwail. Al-A‘rāf 7:145
Tafsīr:
Nagsulat Kami para kay Moises sa mga tablerong yari sa kahoy o iba pa rito ng bawat kakailanganin ng mga anak ni Israel mula sa mga nauukol sa panrelihiyong buhay nila at pangmundong buhay nila bilang pangaral para sa sinumang napangangaralan kabilang sa kanila at bilang pagdedetalye sa mga patakarang nangangailangan ng pagdedetalye. Kaya kunin mo ang Torah na ito, O Moises, nang may pagkaseryoso at pagsisikhay. Ipag-utos mo sa mga kalipi mo, ang mga anak ni Israel, na kumuha sila ng pinakamaganda sa nasaad dito, na ang pabuya ay pinakadakila gaya ng paggawa sa ipinag-uutos sa pinakalubos na paraan gaya ng pagtitiis at pagpapaumanhin. Ipakikita Ko sa inyo ang kahihinatnan ng sinumang sumalungat sa utos Ko at lumabas sa pagtalima sa Akin, at ang hahantungan sa kanya na kapahamakan at pagkawasak.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 144 Susunod Al-A‘rāf • Talata 146