Nagsabi Siya: “O Moises, tunay na Ako ay humirang sa iyo sa mga tao sa mga pasugo Ko at sa pananalita Ko, kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo [na utos] at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat.” Al-A‘rāf 7:144 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Allāh kay Moises: "O Moises, tunay na Ako ay pumili sa iyo at nagtangi sa iyo sa mga tao sa pamamagitan ng mga pasugo Ko nang nagsugo Ako sa iyo sa kanila. Nagtangi Ako sa iyo sa pamamagitan ng pananalita Ko sa iyo nang walang isang tagapagitna. Kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo mula sa marangal na karangalang ito at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat sa Akin dahil sa dakilang bigay na ito."