Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gumawa ang mga tao ni Moises, matapos na [ng paglisan] niya, mula sa mga hiyas nila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga. Hindi ba sila nakakita na ito ay hindi nagsasalita sa kanila at hindi pumapatnubay sa kanila sa isang landas? Gumawa sila nito habang sila noon ay mga tagalabag sa katarungan. (148)
Tafsīr
Yumari ang mga tao ni Moises, nang matapos ng pag-alis niya para sa pakikipagniig sa Panginoon niya, mula sa mga hiyas nila ng isang estatuwa ng guya na walang kaluluwa rito ngunit may tinig para rito. Hindi ba sila nakaalam na ang guyang ito ay hindi nagsasalita sa kanila, hindi gumagabay sa kanila sa isang landas ng kabutihang pisikal o espirituwal, at hindi nagdudulot para sa kanila ng pakinabang o nag-aalis sa kanila ng kapinsalaan? Gumawa sila rito bilang sinasamba habang sila noon ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil doon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: