Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 148 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 148 sa 206 • Tagalog


وَاتَّخَذَ قَوْمُ مُوسَىٰ مِنْ بَعْدِهِ مِنْ حُلِيِّهِمْ عِجْلًا جَسَدًا لَهُ خُوَارٌ ۚ أَلَمْ يَرَوْا أَنَّهُ لَا يُكَلِّمُهُمْ وَلَا يَهْدِيهِمْ سَبِيلًا ۘ اتَّخَذُوهُ وَكَانُوا ظَالِمِينَ 148
Pagsasalin:
Gumawa ang mga tao ni Moises, matapos na [ng paglisan] niya, mula sa mga hiyas nila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga. Hindi ba sila nakakita na ito ay hindi nagsasalita sa kanila at hindi pumapatnubay sa kanila sa isang landas? Gumawa sila nito habang sila noon ay mga tagalabag sa katarungan. Al-A‘rāf 7:148
Tafsīr:
Yumari ang mga tao ni Moises, nang matapos ng pag-alis niya para sa pakikipagniig sa Panginoon niya, mula sa mga hiyas nila ng isang estatuwa ng guya na walang kaluluwa rito ngunit may tinig para rito. Hindi ba sila nakaalam na ang guyang ito ay hindi nagsasalita sa kanila, hindi gumagabay sa kanila sa isang landas ng kabutihang pisikal o espirituwal, at hindi nagdudulot para sa kanila ng pakinabang o nag-aalis sa kanila ng kapinsalaan? Gumawa sila rito bilang sinasamba habang sila noon ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 147 Susunod Al-A‘rāf • Talata 149