Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 149 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 149 sa 206 • Tagalog


وَلَمَّا سُقِطَ فِي أَيْدِيهِمْ وَرَأَوْا أَنَّهُمْ قَدْ ضَلُّوا قَالُوا لَئِنْ لَمْ يَرْحَمْنَا رَبُّنَا وَيَغْفِرْ لَنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ 149
Pagsasalin:
Noong nagsisi sila at nakita nila na sila ay naligaw nga, nagsabi sila: “Talagang kung hindi naawa sa atin ang Panginoon Natin at nagpatawad sa atin, talagang tayo nga ay magiging kabilang sa mga lugi.” Al-A‘rāf 7:149
Tafsīr:
Noong nagsisi sila, nalito sila, at nalaman nila na sila ay naligaw nga palayo sa landasing tuwid dahil sa paggawa nila sa guya bilang sinasamba kasama kay Allāh, nagpakumbaba sila kay Allāh saka nagsabi: "Talagang kung hindi naawa sa atin ang Panginoon Natin sa pamamagitan ng pagtutuon sa pagtalima sa Kanya at hindi nagpatawad sa atin sa ipinangahas natin laban sa Kanya na pagsamba sa guya, talagang tayo nga ay magiging kabilang sa mga nagpalugi sa pangmundong buhay nila at pangkabilang-buhay nila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 148 Susunod Al-A‘rāf • Talata 150