Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 150 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 150 sa 206 • Tagalog


وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِي مِنْ بَعْدِي ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى الْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ابْنَ أُمَّ إِنَّ الْقَوْمَ اسْتَضْعَفُونِي وَكَادُوا يَقْتُلُونَنِي فَلَا تُشْمِتْ بِيَ الْأَعْدَاءَ وَلَا تَجْعَلْنِي مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ 150
Pagsasalin:
Noong bumalik si Moises sa mga tao niya, na galit na galit na naghihinagpis, ay nagsabi siya: “Kay saklap ang ipinanghalili ninyo sa akin matapos na [ng paglisan] ko. Nagmadali ba kayo sa nauukol sa Panginoon ninyo?” Itinapon niya ang mga tablero at dumaklot siya sa ulo ng kapatid niya, na hinihila ito patungo sa kanya. Nagsabi [si Aaron na] ito: “Anak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagmahina sa akin. Sila ay halos papatay sa akin. Kaya huwag kang magpatuwa dahil sa akin sa mga kaaway at huwag kang maglagay sa akin kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.” Al-A‘rāf 7:150
Tafsīr:
Noong nanumbalik si Moises sa mga tao niya mula sa pakikipagniig sa Panginoon niya, na napupuno sa kanila ng galit at lungkot dahil sa natagpuan niya sa kanila na pagsamba sa guya, ay nagsabi siya: "Sumaklap ang kalagayang ipinanghalili ninyo sa akin, O mga kalipi, matapos ng pag-alis ko sa inyo dahil sa ipahahantong nito na kapahamakan at kalumbayan. Nagsawa ba kayo sa paghihintay sa akin kaya nangahas kayo ng pagsamba sa guya?" Ibinato niya ang mga tablero dahil sa tindi ng dumapo sa kanya na galit at lungkot. Humawak siya sa ulo ng kapatid niyang si Aaron at sa balbas nito, habang hinihila ito papunta sa kanya dahil sa pananatili nito sa kanila at hindi pagpapabago nito sa nakita nito sa kanila na pagsamba sa guya. Nagsabi si Aaron habang humihingi ng paumanhin kay Moises habang nagsusumamo rito: "O anak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagpalagay sa akin na mahina kaya nagturing sila sa akin na kaaba-aba. Muntik na silang pumatay sa akin. Kaya huwag kang magparusa sa akin ng isang kaparusahang magpapagalak sa mga kaaway ko. Huwag kang gumawa sa akin, dahilan sa galit mo sa akin, na mapabilang sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga tao dahilan sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 149 Susunod Al-A‘rāf • Talata 151