Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 154)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 154

وَلَمَّا سَكَتَ عَنْ مُوسَى الْغَضَبُ أَخَذَ الْأَلْوَاحَ ۖ وَفِي نُسْخَتِهَا هُدًى وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ هُمْ لِرَبِّهِمْ يَرْهَبُونَ 154 ١٥٤

Noong humupa kay Moises ang galit ay kinuha niya ang mga tablero. Sa nakatitik sa mga ito ay may patnubay at awa para sa kanila na sa Panginoon nila ay nangingilabot. (154)

Tafsīr
Noong tumahan kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang galit at napayapa siya, kinuha niya ang mga tablerong itinapon niya dahilan sa galit. Ang mga tablerong ito ay naglalaman ng kapatnubayan laban sa pagkaligaw at ng paglilinaw sa katotohanan, at naglalaman ng awa para sa mga natatakot sa Panginoon nila at nangangamba sa parusa Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba