Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 161)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 161

وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ اسْكُنُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ وَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا حِطَّةٌ وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا نَغْفِرْ لَكُمْ خَطِيئَاتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ 161 ١٦١

[Banggitin] noong sinabi sa kanila: “Tumahan kayo sa pamayanang ito [ng Jerusalem], kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin, magsabi kayo: ‘Pag-aalis-sala,’ at magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod; magpapatawad Kami sa inyo sa mga kamalian ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda.” (161)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Pumasok kayo sa Jerusalem. Kumain kayo mula sa mga bunga ng pamayanan nito mula sa alinmang pook mula rito at sa alinmang oras na niloob ninyo. Magsabi kayo: 'O Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga kamalian namin.' Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ninyo. Kaya kung gumawa kayo niyon, magpapalampas Kami ng mga pagkakasala ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba