Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 161 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 161 sa 206 • Tagalog


وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ اسْكُنُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ وَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا حِطَّةٌ وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا نَغْفِرْ لَكُمْ خَطِيئَاتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ 161
Pagsasalin:
[Banggitin] noong sinabi sa kanila: “Tumahan kayo sa pamayanang ito [ng Jerusalem], kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin, magsabi kayo: ‘Pag-aalis-sala,’ at magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod; magpapatawad Kami sa inyo sa mga kamalian ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda.” Al-A‘rāf 7:161
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Pumasok kayo sa Jerusalem. Kumain kayo mula sa mga bunga ng pamayanan nito mula sa alinmang pook mula rito at sa alinmang oras na niloob ninyo. Magsabi kayo: 'O Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga kamalian namin.' Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ninyo. Kaya kung gumawa kayo niyon, magpapalampas Kami ng mga pagkakasala ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 160 Susunod Al-A‘rāf • Talata 162