Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay lumalabag sa katarungan. Al-A‘rāf 7:162 ⧉
Tafsīr:
Ngunit nagpaiba ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila ng sinabi na ipinag-utos sa kanila sapagkat nagsabi sila: "Isang butil sa sebada," bilang pamalit sa ipinag-utos sa kanila na paghingi ng kapatawaran; at nagpaiba sila ng gawain na ipinag-utos sa kanila sapagkat pumasok sila habang gumagapang nang nakahiga sa mga likod nila sa halip ng pagpasok bilang mga nagpapasailalim kay Allāh, habang mga nagtatalukbong ng mga ulo nila. Kaya naman nagsugo sa kanila ng isang pagdurusa mula sa langit dahilan sa kawalang-katarungan nila.