Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 162)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 162

فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَظْلِمُونَ 162 ١٦٢

Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay lumalabag sa katarungan. (162)

Tafsīr
Ngunit nagpaiba ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila ng sinabi na ipinag-utos sa kanila sapagkat nagsabi sila: "Isang butil sa sebada," bilang pamalit sa ipinag-utos sa kanila na paghingi ng kapatawaran; at nagpaiba sila ng gawain na ipinag-utos sa kanila sapagkat pumasok sila habang gumagapang nang nakahiga sa mga likod nila sa halip ng pagpasok bilang mga nagpapasailalim kay Allāh, habang mga nagtatalukbong ng mga ulo nila. Kaya naman nagsugo sa kanila ng isang pagdurusa mula sa langit dahilan sa kawalang-katarungan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba