Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 164)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 164

وَإِذْ قَالَتْ أُمَّةٌ مِنْهُمْ لِمَ تَعِظُونَ قَوْمًا ۙ اللَّهُ مُهْلِكُهُمْ أَوْ مُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ قَالُوا مَعْذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ 164 ١٦٤

[Banggitin] noong may nagsabing isang kalipunan kabilang sa kanila: “Bakit kayo nangangaral sa mga tao na si Allāh ay magpapahamak sa mga iyon o magpaparusa sa mga iyon ng isang matinding pagdurusa?” ay nagsabi sila: “Upang mapawalang-sala sa Panginoon ninyo at nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.” (164)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa kanila na sumasaway sa kanila laban sa nakasasamang ito at nagbibigay-babala sa kanila laban dito, may nagsabi naman dito na iba pang pangkat: "Bakit kayo nagpapayo sa isang pangkat na si Allāh ay magpapahamak rito sa Mundo dahil sa ginawa nito na mga pagsuway o magpaparusa rito sa Araw ng Pagbangon ng isang matinding pagdurusa?" Nagsabi ang mga tagapayo: "Ang payo namin sa kanila ay upang mapawalang-sala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa amin na pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama upang hindi Siya manisi sa amin sa pag-iwan niyon, at nang sa gayon sila ay makikinabang sa pangaral saka magtatanggal sa taglay nila na pagsuway."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba