Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 164 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 164 sa 206 • Tagalog


وَإِذْ قَالَتْ أُمَّةٌ مِنْهُمْ لِمَ تَعِظُونَ قَوْمًا ۙ اللَّهُ مُهْلِكُهُمْ أَوْ مُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ قَالُوا مَعْذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ 164
Pagsasalin:
[Banggitin] noong may nagsabing isang kalipunan kabilang sa kanila: “Bakit kayo nangangaral sa mga tao na si Allāh ay magpapahamak sa mga iyon o magpaparusa sa mga iyon ng isang matinding pagdurusa?” ay nagsabi sila: “Upang mapawalang-sala sa Panginoon ninyo at nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.” Al-A‘rāf 7:164
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa kanila na sumasaway sa kanila laban sa nakasasamang ito at nagbibigay-babala sa kanila laban dito, may nagsabi naman dito na iba pang pangkat: "Bakit kayo nagpapayo sa isang pangkat na si Allāh ay magpapahamak rito sa Mundo dahil sa ginawa nito na mga pagsuway o magpaparusa rito sa Araw ng Pagbangon ng isang matinding pagdurusa?" Nagsabi ang mga tagapayo: "Ang payo namin sa kanila ay upang mapawalang-sala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa amin na pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama upang hindi Siya manisi sa amin sa pag-iwan niyon, at nang sa gayon sila ay makikinabang sa pangaral saka magtatanggal sa taglay nila na pagsuway."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 163 Susunod Al-A‘rāf • Talata 165