Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila, iniligtas Namin mga sumasaway sa kasagwaan at dinaklot Namin ang mga lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng isang pagdurusang masaklap dahil sila noon ay nagpapakasuwail. Al-A‘rāf 7:165 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong umayaw ang mga tagasuway sa ipinaalaala sa kanila ng mga tagapangaral at hindi sila tumigil, sinagip Namin ang mga sumaway sa nakasasama mula sa pagdurusa at dumaklot Kami sa mga lumabag sa katarungan dahil sa paglabag sa [pagbabawal sa] pangingisda sa araw ng Sabado ng isang matinding pagdurusa dahilan sa paglabas nila sa pagtalima sa Amin at pagpupumilit nila sa pagsuway.