Kaya noong nagpakasutil sila sa sinaway sa kanila ay nagsabi Kami sa kanila: “Kayo ay maging mga unggoy na ipinagtatabuyan.” Al-A‘rāf 7:166 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong lumampas sila sa hangganan sa pagsuway kay Allāh dala ng pagkamapagmalaki at pagmamatigas at hindi sila napangaralan, nagsabi Kami sa kanila: "O mga tagasuway, kayo ay maging mga unggoy na kaaba-aba." Kaya sila ay naging gaya ng ninais Namin. Ang utos Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami ay na magsabi Kami rito ng mangyari kaya mangyayari ito.