Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 167 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 167 sa 206 • Tagalog


وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبْعَثَنَّ عَلَيْهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ يَسُومُهُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ الْعِقَابِ ۖ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ 167
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon mo na talagang magpapadala nga Siya laban sa kanila hanggang sa Araw ng Pagbangon ng magpapataw sa kanila ng kasagwaan ng pagdurusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang mabilis ang parusa, at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain [sa mga nagbabalik-loob]. Al-A‘rāf 7:167
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang ipinaalam ni Allāh sa isang pagpapaalam na tahasan, na walang kalituhan doon, upang paghariin sa mga Hudyo ang aaba sa kanila at hahamak sa kanila sa buhay nila sa Mundo hanggang sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang mabilis ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya, hanggang sa tunay na Siya ay maaaring magpaaga para rito ng kaparusahan sa Mundo. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 166 Susunod Al-A‘rāf • Talata 168