Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon mo na talagang magpapadala nga Siya laban sa kanila hanggang sa Araw ng Pagbangon ng magpapataw sa kanila ng kasagwaan ng pagdurusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang mabilis ang parusa, at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain [sa mga nagbabalik-loob]. (167)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang ipinaalam ni Allāh sa isang pagpapaalam na tahasan, na walang kalituhan doon, upang paghariin sa mga Hudyo ang aaba sa kanila at hahamak sa kanila sa buhay nila sa Mundo hanggang sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang mabilis ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya, hanggang sa tunay na Siya ay maaaring magpaaga para rito ng kaparusahan sa Mundo. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: