Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 169)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 169

فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ وَرِثُوا الْكِتَابَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا الْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِنْ يَأْتِهِمْ عَرَضٌ مِثْلُهُ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِمْ مِيثَاقُ الْكِتَابِ أَنْ لَا يَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ وَدَرَسُوا مَا فِيهِ ۗ وَالدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 169 ١٦٩

Saka may humalili, matapos na nila, na mga kahalili na nagmana ng Kasulatan, na kumukuha ng alok ng pinakamababa at nagsasabi: “Magpapatawad sa atin.” Kung may pumunta sa kanila na isang alok na tulad niyon ay kukuha sila niyon. Hindi ba kinuha sa kanila ang kasunduan ng Kasulatan na huwag sila magsabi tungkol kay Allāh maliban ng katotohanan, at nag-aral naman sila ng nasa loob nito? Ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala, kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? (169)

Tafsīr
Saka may dumating, nang matapos ng mga ito, na mga alagad ng kasagwaan na humahalili sa mga ito. Kinuha nila ang Torah mula sa mga ninuno nila, na bumibigkas nito at hindi nagsasagawa sa nasaad dito. Kumukuha sila ng masamang tinatamasa sa Mundo bilang panunuhol sa paglilihis nila sa Kasulatan ni Allāh at paghatol ng hindi ayon sa pinababa Niya rito. Nagpapamithi sila sa mga sarili nila na si Allāh ay magpapatawad sa kanila sa mga pagkakasala nila. Kung may pumupunta sa kanila na isang katiting na makamundong tinatamasang ay kinukuha nila ito nang paulit-ulit. Hindi ba gumawa si Allāh ng mga tipan at mga kasunduan sa mga ito, na huwag silang magsabi tungkol kay Allāh maliban ng katotohanan nang walang paglilihis o pagpapalit? Hindi ba nangyaring ang pag-iwan nila sa paggawa ayon sa Kasulatan ay dala ng kamangmangan? Bagkus ito noon ay nasa kaalaman sapagkat nakabasa nga sila ng nasaad dito at nakaalam sila nito, kaya ang pagkakasala nila ay higit na matindi. Ang tahanan sa Kabilang-buhay at ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay na kaginhawahang mamalagi ay higit na mabuti kaysa sa naglalahong tinatamasang iyon para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Hindi ba nakauunawa itong mga kumukuha ng katiting na pakinabang na ito na ang inihanda ni Allāh sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala ay pinakamabuti at pinakamagtatagal?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba