Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang lumalang Kami para sa Impiyerno ng marami kabilang sa jinn at tao. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakauunawa sa pamamagitan ng mga ito, mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito, at mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito. Ang mga iyon ay gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat. (179)
Tafsīr
Talaga ngang lumikha Kami para sa Impiyerno ng marami sa jinn at marami sa tao dahil sa pagkakaalam Namin na sila ay gagawa ng gawain ng mga maninirahan doon. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakatatalos sa pamamagitan ng mga ito ng magpapakinabang sa kanila ni ng mamiminsala sa kanila. Mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh sa mga sarili nila at mga abot tanaw para magsaalang-alang sila sa mga ito. Mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh para magbulay-bulay sila sa mga ito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay tulad ng mga hayupan sa pagkawala ng isip, bagkus sila ay higit na malayo sa pagkaligaw kaysa sa mga hayupan. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat sa pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: