Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 179 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 179 sa 206 • Tagalog


وَلَقَدْ ذَرَأْنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرًا مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ ۖ لَهُمْ قُلُوبٌ لَا يَفْقَهُونَ بِهَا وَلَهُمْ أَعْيُنٌ لَا يُبْصِرُونَ بِهَا وَلَهُمْ آذَانٌ لَا يَسْمَعُونَ بِهَا ۚ أُولَٰئِكَ كَالْأَنْعَامِ بَلْ هُمْ أَضَلُّ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْغَافِلُونَ 179
Pagsasalin:
Talaga ngang lumalang Kami para sa Impiyerno ng marami kabilang sa jinn at tao. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakauunawa sa pamamagitan ng mga ito, mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito, at mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito. Ang mga iyon ay gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat. Al-A‘rāf 7:179
Tafsīr:
Talaga ngang lumikha Kami para sa Impiyerno ng marami sa jinn at marami sa tao dahil sa pagkakaalam Namin na sila ay gagawa ng gawain ng mga maninirahan doon. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakatatalos sa pamamagitan ng mga ito ng magpapakinabang sa kanila ni ng mamiminsala sa kanila. Mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh sa mga sarili nila at mga abot tanaw para magsaalang-alang sila sa mga ito. Mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh para magbulay-bulay sila sa mga ito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay tulad ng mga hayupan sa pagkawala ng isip, bagkus sila ay higit na malayo sa pagkaligaw kaysa sa mga hayupan. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat sa pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 178 Susunod Al-A‘rāf • Talata 180