Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 178 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 178 sa 206 • Tagalog


مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِي ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ 178
Pagsasalin:
Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh, siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya, ang mga iyon ay ang mga lugi. Al-A‘rāf 7:178
Tafsīr:
Ang sinumang itinuon ni Allāh sa kapatnubayan tungo sa landasin Niyang tuwid, siya ang napapatnubayan nang totohanan. Ang sinumang pinalayo Niya sa landasing tuwid, ang mga iyon ay ang mga nagbabawas sa mga sarili nila ng mga bahagi nila nang totohanan, na mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 177 Susunod Al-A‘rāf • Talata 179