Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa. Al-A‘rāf 7:180 ⧉
Tafsīr:
Taglay ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ang mga pangalang napakagaganda na nagpapatunay sa pagkapinagpipitaganan Niya at kalubusan Niya. Kaya magsumamo kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito sa paghiling ng ninanais ninyo at magbunyi kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga kumikiling palayo sa katotohanan kaugnay sa mga pangalang ito sa pamamagitan ng pagtatalaga sa mga ito sa iba pa kay Allāh o pagkakaila sa mga ito sa Kanya o paglilihis sa kahulugan ng mga ito o pagwawangis ng iba pa sa Kanya sa mga ito. Gaganti si Allāh sa mga kumikiling sa mga ito palayo sa katotohanan: ang pagdurusang nakasasakit dahil sa dati nilang ginagawa.