Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali: Kailan ang pagdaong niyon? Sabihin mo: “Ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang; walang maglalantad dito para sa oras nito kundi Siya. Bumigat ito sa mga langit at lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan.” Nagtatanong sila sa iyo na para bang ikaw ay mausisa tungkol dito. Sabihin mo: “Ang kaalaman dito ay nasa Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.” (187)
Tafsīr
Nagtatanong sa iyo ang mga tagapasinungaling na nanlilitu-lito tungkol sa [Araw ng] Pagbangon: sa aling oras magaganap ito at mapagtitibay ang kaalaman hinggil dito? Sabihin mo, O Muḥammad: "Ang kaalaman dito ay hindi sa ganang akin ni sa ganang iba pa sa akin. Tanging ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang. Walang maglalantad dito sa oras nitong itinakda para rito kundi si Allāh. Naikubli ang nauukol sa paglantad nito sa mga naninirahan sa mga langit at mga naninirahan sa lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan." Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali na para bang ikaw ay masigasig sa pag-alam hinggil dito. Hindi nila nalaman na ikaw ay hindi tinatanong tungkol dito dahil sa kalubusan ng kaalaman mo sa Panginoon mo. Sabihin mo sa kanila, O Muḥammad: "Tanging ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa ganang Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: