Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 187 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 187 sa 206 • Tagalog


يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ رَبِّي ۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقْتِهَا إِلَّا هُوَ ۚ ثَقُلَتْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا تَأْتِيكُمْ إِلَّا بَغْتَةً ۗ يَسْأَلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنْهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ 187
Pagsasalin:
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali: Kailan ang pagdaong niyon? Sabihin mo: “Ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang; walang maglalantad dito para sa oras nito kundi Siya. Bumigat ito sa mga langit at lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan.” Nagtatanong sila sa iyo na para bang ikaw ay mausisa tungkol dito. Sabihin mo: “Ang kaalaman dito ay nasa Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.” Al-A‘rāf 7:187
Tafsīr:
Nagtatanong sa iyo ang mga tagapasinungaling na nanlilitu-lito tungkol sa [Araw ng] Pagbangon: sa aling oras magaganap ito at mapagtitibay ang kaalaman hinggil dito? Sabihin mo, O Muḥammad: "Ang kaalaman dito ay hindi sa ganang akin ni sa ganang iba pa sa akin. Tanging ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang. Walang maglalantad dito sa oras nitong itinakda para rito kundi si Allāh. Naikubli ang nauukol sa paglantad nito sa mga naninirahan sa mga langit at mga naninirahan sa lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan." Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali na para bang ikaw ay masigasig sa pag-alam hinggil dito. Hindi nila nalaman na ikaw ay hindi tinatanong tungkol dito dahil sa kalubusan ng kaalaman mo sa Panginoon mo. Sabihin mo sa kanila, O Muḥammad: "Tanging ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa ganang Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 186 Susunod Al-A‘rāf • Talata 188