Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 188 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 188 sa 206 • Tagalog


قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ ۚ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 188
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni Allāh. Kung sakaling nangyaring ako ay nakaaalam sa nakalingid, talaga sanang nakapagparami ako ng kabutihan at hindi sumaling sa akin ang kasagwaan. Walang iba ako kundi isang mapagbabala [ng parusa] at isang mapagbalita ng nakagagalak [na gantimpala] para sa mga taong sumasampalataya [sa mensahe ko].” Al-A‘rāf 7:188
Tafsīr:
Sabihin mo, O Muḥammad: "Hindi ko nakakaya ng pagdulot ng kabutihan para sa sarili ko ni pagpawi ng kasamaan dito maliban sa niloob ni Allāh. Iyon ay kay Allāh lamang. Wala akong nalalaman maliban sa itinuro sa akin ni Allāh kaya hindi ko nalalaman ang Lingid. Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talaga sanang gumawa ako ng mga kadahilanan na nalalaman ko na ang mga ito ay magdudulot para sa akin ng mga kapakanan at magtutulak palayo sa akin ng mga katiwalian dahil sa pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay bago ng pangyayari ng mga ito at sa pagkakaalam ko sa anumang kauuwian ng mga ito. Walang iba ako kundi isang Sugo mula sa ganang kay Allāh. Nagpapangamba ako ng parusa Niyang masakit. Nagbabalita ako ng nakalulugod na gantimpala Niyang marangal sa mga taong sumasampalataya na ako ay isang Sugo mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – at naniniwala sa anumang inihatid ko."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 187 Susunod Al-A‘rāf • Talata 189