Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang tagapagpatnubay para sa kanya. Nagpapabaya Siya sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila. Al-A‘rāf 7:186 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa kapatnubayan sa katotohanan at pinaligaw Niya palayo sa landasing tuwid ay walang tagapagpatnubay para sa kanya na magpapatnubay sa kanya tungo roon. Nag-iiwan Siya sa kanila sa pagkaligaw nila at kawalang-pananampalataya nila habang nalilito nang hindi napapatnubayan tungo sa anuman.