Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 188)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 188

قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ ۚ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 188 ١٨٨

Sabihin mo: “Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni Allāh. Kung sakaling nangyaring ako ay nakaaalam sa nakalingid, talaga sanang nakapagparami ako ng kabutihan at hindi sumaling sa akin ang kasagwaan. Walang iba ako kundi isang mapagbabala [ng parusa] at isang mapagbalita ng nakagagalak [na gantimpala] para sa mga taong sumasampalataya [sa mensahe ko].” (188)

Tafsīr
Sabihin mo, O Muḥammad: "Hindi ko nakakaya ng pagdulot ng kabutihan para sa sarili ko ni pagpawi ng kasamaan dito maliban sa niloob ni Allāh. Iyon ay kay Allāh lamang. Wala akong nalalaman maliban sa itinuro sa akin ni Allāh kaya hindi ko nalalaman ang Lingid. Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talaga sanang gumawa ako ng mga kadahilanan na nalalaman ko na ang mga ito ay magdudulot para sa akin ng mga kapakanan at magtutulak palayo sa akin ng mga katiwalian dahil sa pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay bago ng pangyayari ng mga ito at sa pagkakaalam ko sa anumang kauuwian ng mga ito. Walang iba ako kundi isang Sugo mula sa ganang kay Allāh. Nagpapangamba ako ng parusa Niyang masakit. Nagbabalita ako ng nakalulugod na gantimpala Niyang marangal sa mga taong sumasampalataya na ako ay isang Sugo mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – at naniniwala sa anumang inihatid ko."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba