Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 190)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 190

فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ 190 ١٩٠

Ngunit noong nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang [anak na] maayos ay gumawa silang dalawa para sa Kanya ng mga katambal kaugnay sa ibinigay Niya sa kanilang dalawa, ngunit napakataas si Allāh higit sa anumang itinatambal nila. (190)

Tafsīr
Ngunit noong tumugon si Allāh sa panalangin nilang dalawa at nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang anak na maayos gaya ng ipinanalangin nilang dalawa kay Allāh, gumawa silang dalawa para kay Allāh ng mga katambal kaugnay sa ipinagkaloob Niya sa kanilang dalawa. Nagpangalan silang dalawa sa anak nilang dalawa ng pagkaalipin sa iba pa sa Kanya. Nagpangalan silang dalawa dito ng `Abdul-Ḥārith (Alipin ni Ḥārith), ngunit pagkataas-taas si Allāh at nagpawalang-kinalaman sa bawat katambal sapagkat Siya ay ang namumukod-tangi sa pagkapanginoon at pagkadiyos.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba