Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay mga lingkod na mga tulad ninyo. Kaya dumalangin kayo saka tumugon sila sa inyo, kung kayo ay mga tapat. (194)
Tafsīr
Tunay na ang mga sinasamba ninyo, O mga tagapagtambal, bukod pa kay Allāh ay mga nilikha para kay Allāh, na mga minamay-ari para sa Kaya sapagkat sila ay mga tulad ninyo roon bagamat kayo ay higit na mainam sa kalagayan dahil kayo ay mga buhay na nagsasalita, naglalakad, nakaririnig, at nakakikita samantalang ang mga anito ninyo ay hindi gayon. Kaya dumalangin kayo sa kanila at gumanti sila sa inyo ng sagot kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo para sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: