Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay mga lingkod na mga tulad ninyo. Kaya dumalangin kayo saka tumugon sila sa inyo, kung kayo ay mga tapat. Al-A‘rāf 7:194 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga sinasamba ninyo, O mga tagapagtambal, bukod pa kay Allāh ay mga nilikha para kay Allāh, na mga minamay-ari para sa Kaya sapagkat sila ay mga tulad ninyo roon bagamat kayo ay higit na mainam sa kalagayan dahil kayo ay mga buhay na nagsasalita, naglalakad, nakaririnig, at nakakikita samantalang ang mga anito ninyo ay hindi gayon. Kaya dumalangin kayo sa kanila at gumanti sila sa inyo ng sagot kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo para sa kanila.