Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 195 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 195 sa 206 • Tagalog


أَلَهُمْ أَرْجُلٌ يَمْشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَيْدٍ يَبْطِشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَعْيُنٌ يُبْصِرُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۗ قُلِ ادْعُوا شُرَكَاءَكُمْ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنْظِرُونِ 195
Pagsasalin:
Mayroon ba silang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga kamay na sumusunggab sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Sabihin mo: “Dumalangin kayo sa mga pantambal ninyo, pagkatapos manlansi kayo sa akin saka huwag kayong magpaliban sa akin.” Al-A‘rāf 7:195
Tafsīr:
Ang mga anitong ito na ginawa ninyong mga diyos ay mayroon bang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito saka nagtatrabaho sila para sa mga pangangailangan ninyo? O mayroon silang mga kamay na tumutulak sila sa inyo sa pamamagitan ng mga ito nang may lakas? O mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakalingid sa inyo kaya nagpapabatid sila sa inyo? O mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakakubli sa inyo kaya nagpaparating sila ng kaalaman dito para sa inyo? Kaya kung ang mga ito ay mga inutil doon sa kabuuan niyon, papaanong sumasamba kayo sa mga ito sa pag-asang magtamo ng pakinabang at magtulak ng pinsala? Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin kayo sa mga ipinantay ninyo kay Allāh. Pagkatapos manggulang kayo para makapinsala sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 194 Susunod Al-A‘rāf • Talata 196