Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mayroon ba silang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga kamay na sumusunggab sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Sabihin mo: “Dumalangin kayo sa mga pantambal ninyo, pagkatapos manlansi kayo sa akin saka huwag kayong magpaliban sa akin.” (195)
Tafsīr
Ang mga anitong ito na ginawa ninyong mga diyos ay mayroon bang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito saka nagtatrabaho sila para sa mga pangangailangan ninyo? O mayroon silang mga kamay na tumutulak sila sa inyo sa pamamagitan ng mga ito nang may lakas? O mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakalingid sa inyo kaya nagpapabatid sila sa inyo? O mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakakubli sa inyo kaya nagpaparating sila ng kaalaman dito para sa inyo? Kaya kung ang mga ito ay mga inutil doon sa kabuuan niyon, papaanong sumasamba kayo sa mga ito sa pag-asang magtamo ng pakinabang at magtulak ng pinsala? Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin kayo sa mga ipinantay ninyo kay Allāh. Pagkatapos manggulang kayo para makapinsala sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: