Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 26

يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنْزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ 26 ٢٦

O mga anak ni Adan, nagpababa nga Kami sa inyo ng kasuutan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang gayak. Ang kasuutan ng pangingilag magkasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. (26)

Tafsīr
O mga anak ni Adan, gumawa nga Kami para sa inyo ng kasuutang kinakailangan para sa pagtatakip sa mga kahubaran ninyo. Gumawa Kami para sa inyo ng kasuutang panggayak na ipinapampaganda ninyo sa mga tao, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, na siyang pagsunod sa ipinag-utos ni Allāh at pag-iwas sa sinaway Niya, ay higit na mabuti kaysa sa kasuutang pisikal na ito. Ang nabanggit na iyon kabilang sa kasuutan ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa mga biyaya Niya sa inyo saka magpapasalamat sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba