Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 26 sa 206 • Tagalog


يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنْزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ 26
Pagsasalin:
O mga anak ni Adan, nagpababa nga Kami sa inyo ng kasuutan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang gayak. Ang kasuutan ng pangingilag magkasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. Al-A‘rāf 7:26
Tafsīr:
O mga anak ni Adan, gumawa nga Kami para sa inyo ng kasuutang kinakailangan para sa pagtatakip sa mga kahubaran ninyo. Gumawa Kami para sa inyo ng kasuutang panggayak na ipinapampaganda ninyo sa mga tao, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, na siyang pagsunod sa ipinag-utos ni Allāh at pag-iwas sa sinaway Niya, ay higit na mabuti kaysa sa kasuutang pisikal na ito. Ang nabanggit na iyon kabilang sa kasuutan ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa mga biyaya Niya sa inyo saka magpapasalamat sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 25 Susunod Al-A‘rāf • Talata 27