Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 27 sa 206 • Tagalog


يَا بَنِي آدَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطَانُ كَمَا أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مِنَ الْجَنَّةِ يَنْزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْآتِهِمَا ۗ إِنَّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ 27
Pagsasalin:
O mga anak ni Adan, huwag ngang tutukso sa inyo ang demonyo yayamang nagpalabas siya sa mga magulang ninyo mula sa Paraiso habang nag-aalis sa kanilang dalawa ng kasuutan nilang dalawa upang magpakita siya sa kanilang dalawa ng kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya at ang mga kampon niya, mula sa kung saan hindi kayo nakakikita sa kanila. Tunay na Kami ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya.” Al-A‘rāf 7:27
Tafsīr:
O mga anak ni Adan, huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagsuway sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasuutang pisikal para sa pagtatakip sa kahubaran o pag-iwan sa kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, sapagkat nakadaya nga siya sa mga [unang] magulang ninyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagkain mula sa [bawal na] punong-kahoy hanggang sa ang kinauwian niyon ay na nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa Paraiso at tumambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na ang demonyo at ang mga inapo niya ay nakakikita sa inyo at nakasasaksi sa inyo samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila at hindi nakasasaksi sa kanila kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iingat laban sa kanya at laban sa mga inapo niya. Tunay na Siya ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh. Tungkol naman sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga gawang maayos, walang daan sa mga iyon laban sa mga ito."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 26 Susunod Al-A‘rāf • Talata 28