Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 28 sa 206 • Tagalog


وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ 28
Pagsasalin:
Kapag gumawa sila ng isang malaswa ay magsasabi sila: “Nakatagpo kami sa gayon sa mga magulang namin at si Allāh ay nag-utos sa amin niyon.” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng kalaswaan; nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?” Al-A‘rāf 7:28
Tafsīr:
Kapag nakagawa ang mga tagapagtambal ng isang bagay na malubha ang kasamaan gaya ng shirk, pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah habang mga nakahubad, at iba pa sa mga ito, nagdadahi-dahilan sila na sila ay nakatagpo sa mga magulang nila na gumagawa niyon at na si Allāh ay nag-utos sa kanila niyon." Sabihin mo, O Muḥammad, bilang tugon sa kanila: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng mga pagsuway, bagkus sumasaway Siya ng mga ito. Kaya papaano kayong nag-aangkin niyon laban sa Kanya? Nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal, hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman bilang kasinungalingan at paggawa-gawa?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 27 Susunod Al-A‘rāf • Talata 29