Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga anak ni Adan, huwag ngang tutukso sa inyo ang demonyo yayamang nagpalabas siya sa mga magulang ninyo mula sa Paraiso habang nag-aalis sa kanilang dalawa ng kasuutan nilang dalawa upang magpakita siya sa kanilang dalawa ng kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya at ang mga kampon niya, mula sa kung saan hindi kayo nakakikita sa kanila. Tunay na Kami ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya.” (27)
Tafsīr
O mga anak ni Adan, huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagsuway sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasuutang pisikal para sa pagtatakip sa kahubaran o pag-iwan sa kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, sapagkat nakadaya nga siya sa mga [unang] magulang ninyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagkain mula sa [bawal na] punong-kahoy hanggang sa ang kinauwian niyon ay na nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa Paraiso at tumambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na ang demonyo at ang mga inapo niya ay nakakikita sa inyo at nakasasaksi sa inyo samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila at hindi nakasasaksi sa kanila kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iingat laban sa kanya at laban sa mga inapo niya. Tunay na Siya ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh. Tungkol naman sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga gawang maayos, walang daan sa mga iyon laban sa mga ito."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: