Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 28

وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ 28 ٢٨

Kapag gumawa sila ng isang malaswa ay magsasabi sila: “Nakatagpo kami sa gayon sa mga magulang namin at si Allāh ay nag-utos sa amin niyon.” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng kalaswaan; nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?” (28)

Tafsīr
Kapag nakagawa ang mga tagapagtambal ng isang bagay na malubha ang kasamaan gaya ng shirk, pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah habang mga nakahubad, at iba pa sa mga ito, nagdadahi-dahilan sila na sila ay nakatagpo sa mga magulang nila na gumagawa niyon at na si Allāh ay nag-utos sa kanila niyon." Sabihin mo, O Muḥammad, bilang tugon sa kanila: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng mga pagsuway, bagkus sumasaway Siya ng mga ito. Kaya papaano kayong nag-aangkin niyon laban sa Kanya? Nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal, hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman bilang kasinungalingan at paggawa-gawa?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba