Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 39

وَقَالَتْ أُولَاهُمْ لِأُخْرَاهُمْ فَمَا كَانَ لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْسِبُونَ 39 ٣٩

Magsasabi ang una sa kanila sa huli sa kanila: “Sapagkat hindi kayo nagkaroon higit sa amin ng anumang kalamangan, kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil sa dati ninyong nakakamit [na kawalang-pananampalataya].” (39)

Tafsīr
Magsasabi ang mga pinapanginoong sinusunod sa mga tagasunod nila: "Hindi kayo nagkaroon, O mga tagasunod, higit sa amin ng anumang kalamangang nagiging karapat-dapat kayo dahil dito sa pagpapagaan ng pagdurusa sa inyo sapagkat ang isinasaalang-alang ay ayon sa nakamit ninyo na mga gawa. Walang maidadahilan para sa inyo sa pagsunod sa kabulaanan, kaya lasapin ninyo, O mga tagasunod, ang pagdurusa, tulad ng nilasap namin, dahilan sa dati ninyong nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba